Biyernes, Disyembre 28, 2012

hudyat ng bagong kabihasnan 3-1


Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan Ni Simon A. Marcelo






“Walang mangyayari sa balat ng lupa,

Di ma’y kagalingang iyong ninanasa.”



Kumislap ang isip ng pantas na malay

At ang sandaigdig ay naliwanagan

Nagsipamulaklak ng dunong na yaman

Ang nangagpunyaging paham na isipan;

At tayo’y nagising sa bagong kandungan

Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!



Natuklas ng dunog na kahanga-hanga

Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;

Tila niloob ng Poong Bathala

Na tayo’y matapos sa sariling nasa;

Nakapabingit na sa pagkariwara

Ang ating daigdig na lutang sa luha!



Sa bagong liwanag ng pagkakasulong

Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;

Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,

Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,

Nasisid ang mga dagat na maalon

Ng taong palakang nagwagi sa layon!



Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas

Narating ang buwan ng bakal na limbas;

Noon naman unang sa buwa’y lumunsad

Ang dalawang bunying astronauts na tanyag;

Subalit hindi pa lubos na matiyak

Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.



Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog

Kapag may malaking bombang sinusubok,

Ang ehe ng mundo, ay baka mahutok

At saka malihis sa kanyang pag-ikot,

Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos

Dahils sa paghinto ng kanyang pag-inog!



Hindi lamang iyan, may panganib pa ring

Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,

Sa dalawa kayang malakas ay alin

Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?

Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,

Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!



May panganib pa rin sa bawat pagsubok

Ng bombang may lasong buga sa fallout;

Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot

Higit na mabangis sa alinmang salot;

Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,

Walang mabubuhay sa buong sinukob!



Sa ngayon, sa hanging ating nilalanghap

Ay may kahalo nang maruruming sangkap;

Kapag ito’y hindi nalunasan agad

Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;

Kung bakit ang tao’y habang umuunlad

Saka nalalapit na lalo sa wakas!



Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang

Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,

Sa dalawang pook na pinaghulugan

Ay napakaraming nakitlan ng buhay;

Kung ang ibabagsak ay bombang panggunaw

Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!



Pag bombang agawton ang siyang ginamit

Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,

Dahilan sa lakas na napakalabis

Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;

Huwag nawa sanang loobing ng langit

Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!



Ang pag-uunahan ng dalawang lakas

Na sa kalawakan ay magharing ganap,

Ay nagbababalang di na magluluwat

At tayo sa digma’y muling magsisiklab;

Maanong loobin ng nasa Itaas

Na huwag na sanang dumating ang wakas!



Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,

Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo;

Ang hihip ng hangin kapag di nagbago

Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;

Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo

At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!



Nais na lamugin ng Maso at Karit

Kung magagawa lang, ang lupa at langit;

Ang Agila naman sa pagpupumilit

Na siyang mauna’y hindi matahimik;

Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis

Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?



Wala pang sanggol sa kasalukuyan

Sa pagbombang higit ang bilis sa ingay,

Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay

Di makahanda nais mang lumaban;

Dahil dito kaya dapat pagsikapan

Na mapagkasundo ang sangkatauhan!



Hindi nga masamang ang Tao’y

Lalo kung may mithing dakila at tapat,

Pagkat likas lamang sa taong maghangad

Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,

Nguni’t ang masama’y ang magpakapantas

Upang ang mabuting binuo’y iwasak!



Di dapat gumamit ng mga sandatang

Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;

Idalangin nating magkaisa sana

Ang sangkatauhan sa mithi at pita;

Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata

Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!



Kapag nagkaroon ng lason sa tubig

Gayon din ang hangin na dating malinis,

Lahat ng may buhay sa Silong ng langit

Ay matatapos nang parang panaginip;

Saka lamang naman magiging tahimik

Kung dito’y wala nang mga manlulupig



Dahil dito kaya kinakailangang

Iwasabn ang imbot at mga hidwaan;

Pagsikapan nating tuparing lubusan

Ang aral na tayo ay mangan-ibigan;

Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang

Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!



Agawin sa kamay ng imbot at inggit

Ang kapayapaan nitong sandaigdig;

Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit

Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;

Ang Diyos ay gising, di ipagkakait

Ang Kanyang saklolo sa api at amis!



Kapag ang Ama nang Makapangyarihan

Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,

Hindi maglalao’t ang sangkatauhan ay

makakandon sa ang kalwalhatian;

Saka ang ligalig na sandaigdigan

Ay mahihimbing na sa katahimikan.




pagninilay :ang mundo ay dapat nating pahalagahan  at di dapat pabayaan


ponagbatayan:sulyapsayaman.blogspot.com/.../mga-hudyat-ng-bagong-kabihasnan-..

kinagisnang balon 3-1

1. Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon. 2. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. 3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa. 4. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. 5. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. 6. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi. 7. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. 8. "Noon pang panahon ng Kastila," anang matatanda. 9. "Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng iba. 10. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas. 11. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. 12. May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento! 13. Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw sa may balon. 14. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. 15. At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang "maligno" na walang iba kung di ang tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag. 16. Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't naliligo ang mga dalaga't kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga dalaga. 17. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak naman nito. 18. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta. 19. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo. 20. Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. 21. "Ba't naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on pa man," sabi ng iba. 22. "Di ba't 'yan 'kamo," dagdag ng ilan, "aguwador din?" 23. "Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?" 24. "Aba, siyanga, ano?" 25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. "Pero 'ala pang giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo." 27. Minana na niya ang opisyong iyan." 28. "E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…" 29. "A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo." 30. "Labandera na noon si Nana Pisyang?" 31. "Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e." 32. "Ang Da Felisang Hilot?" 33. "Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." 34. "Tingnan mo nga naman ang buhay." 35. "Sa Amerika ba, merong ganyan?" 36. "Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay." 37. "Mana-mana ang lahat." 38. "Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din." 39. "At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera." 40. "Pero si Nana Pisyang humihilot din." 41. "Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na." 42. "Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay." 43. "Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd." 44. "At si Narsing nila?" 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy." 46. "Ow tama na 'yon. Tapos ka't hindi, pareho rin." 47. "Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!" 48. "Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro." 49. "Minsa'y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano." 50. "E. ano raw?" 51. "Florante at Laura daw." 52. "Tingnan mo nga 'yan. Sayang na bata. May ulo pa naman." 53. "Balita ko'y ayaw mag-aguwador." 54. "Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba't nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na." 55. "Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit 'yon!" 56. "Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!" 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit. 60. Nagsasampay ang kanyang ina nang siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. 61. Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon sa paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya't naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na galing sa ganoo't ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing. 64. Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to, sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. 65. "Hene puwede," sagot ng Intsik, "hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig." 66. "O, paano, talagang wala?" sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang galit. 67. "Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto lang tulong sa 'yo. 68. "O sige, ano?" 69. "Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?" 70. Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71. Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. 72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na 'ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu't sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan. 73. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang. Habang sila'y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama't ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo'y nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama't ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila'y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya't maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso't pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki't dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama't ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na ipinaglalaba't ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga't dalawang balde na animo'y isang Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. 77. Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya. 78. "Gayon din lamang," mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib." 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. 80. "Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako maging aguwador!" 81. Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina'y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang tinig. "Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!" 83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama't buong lakas na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata'y umiiyak at humahagulgol na parang maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo rin." 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili'y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito'y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba'y nawala sa isip niya ang ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador. 90. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. 93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo'y may asong kumakahol na parang nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya'y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo'y isang Kristong pasanpasan ang pingga't dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang. 94. Maaga pa'y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya'y muling umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya't parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong aguwador. 96. "Binyagan si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig.

tata selo 3-1


ni Rogelio R. Sikat

          Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
          Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.
          “Totoo ba, Tata Selo?”
          “Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
          Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
          “Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko mapaniwalaan.”
          Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
          “Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
          Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
          “Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?”
          Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
          Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
          “Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
          Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
          “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
          Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
          “Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
          “Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
          Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

          “Patay po ba?”
          Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
          “Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
          Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
          Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
          Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
          “Patay po ba? Saan po ang taga?”
          Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
          “Saan po tinamaan?”
          “Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
          “Lintik na matanda!”
          Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
          “Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
          Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
          “Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
          Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
          “Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
          “Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
          Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
          “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
          “Saan mo tinaga ang kabesa?”
          Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
          “Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
          “Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
          “Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
          Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
          “Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
          Hindi sumagot si Tata Selo.
          “Tinatanong ka,” anang hepe.
          Lumunok si Tata Selo.
          “Umuwi na po si Saling, Presidente.”
          “Kailan?”
          “Kamakalawa po ng umaga.”
          “Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
          “Tatlong buwan na po.”
          “Bakit siya umuwi?”
          Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
          “May sakit po siya?”
          Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
          “Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
          “Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
          Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
          “Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.
          Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
          “Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
          Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
          “Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
          Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
          “Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
          Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
          “Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
          “Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
          May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
          Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
          Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
          Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
          “Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
          Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
          “Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na.  Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi...”
          “Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
          “Ang anak, dumating daw?”
          “Naki-mayor.”
          Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
          “Tata Selo...Tata Selo...”
          Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
          Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
          Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
          “Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
          Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
          Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...



pag ninilay:ang taong gusto mong kunan ng matiryal na bagay ay dapat kunin sa magandang paraan

pinagbatayan:rizalcollegeoflaguna.blogspot.com/.../maikling-kwento-tata-selo-ni-r..

mabangis na lungsod 3-1

Mabangis na lungsod - Efren R. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
  • Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.




pagninilay:sa akdang ito aking napuna na  may mga batang naaaboso,nagtatrabaho at nag papalimos paralamang makakain


pinagbatayan:tl.answers.com/Q/Mabangis_na_lungsod_ni_efren_abueg

Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan (sa aking bayan)


ni Simon A. Mercado
1 Kumislap ang isip ng pantas na malay
2 At ang sandaigdig ay naliwanagan
3 Nagsipamulaklak ng dunong na yaman
4 Ang nangagpunyaging paham na isipan;
5 At tayo’y nagising sa bagong kandungan
6 Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!

7 Natuklas ng dunong na kahanga-hanga
8 Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
9 Tila niloob ng Poong Bathala
10 Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
11 Nakapabingit na sa pagkariwari
12 Ang ating daigdig na lutang sa luha!

13 Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
14 Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
15 Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
16 Nalakbay ang langit sa bakal na ibon,
17 Nasisid ang mga dagat na maalon
18 Ng taong palakang nagwagi sa layon!

19 Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
20 Narating ang buwan ng bakal na limbas;
21 Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
22 Ang dalawang bunying astronaut na tanyag;
23 Subalit hindi pa lubos na matiyak
24 Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.

25 Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog
26 Kapag may malaking bombang sinusubok,
27 Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
28 At saka malihis sa kanyang pag-ikot
29 Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
30 Dahil sa paghinto ng kanyang inog!

31 Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
32 Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
33 Sa dalawa kayang malakas ay alin
34 Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
35 Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
36 Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!

37 May panganib pa rin sa bawat pagsubok
38 Ng bombang may lasong buga sa fall out;
39 Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
40 Higit na mabangis sa alinmang salot;
41 Pag ito’y kumalat sa katakut-takot,
42 Walang mabubuhay sa buong sinukob!

43 Sa ngayon, ang hanging ating nalilingahap
44 Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
45 Kapag ito’y hindi nalunasan agad
46 Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
47 Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
48 Saka nalalapit na lalo sa wakas!

49 Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
50 Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
51 Sa dalawang pook na pinaghulugan
52 Ay napakaraming nakitlan ng buhay;
53 Kung ang ibabagsak ay bombang pangunaw
54 Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!

55 “Pag bombang awtom ang siyang ginamit
56 Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
57 Dahilan sa lakas na napakalabis
58 Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
59 Huwag nawa sanang loobin ng Langit
60 Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
61 Ang pag-uuganahan ng dalawang lakas
62 Na sa kalawakan ay magharing ganap,
63 Ay nagbabalang di na magluluwat
64 At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
65 Maanong loobin ng Nasa Itaas
66 Na huwag na sanang dumating ang wakas!

67 Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto
68 Cambodia’t Vietnam, nag-iipu0ipo;
69 Ang hihip ng hangin kapag di nabago
70 Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
71 Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
72 At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!

73 Nais na lagumin ng Maso at Karit
74 Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
75 Ang Agila naman sa pagpupumilit
76 Na siyang mauna’y hindi matahimik;
77 Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
78 Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?

79 Wala pang sanggol sa kasalukuyan
80 Sa pambobombang higit ang labis sa ingay,
81 Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
82 Di makakahanda nais mang lumaban;
83 Dahil dito kaya dapat pagsikapan
84 Na mapagkasundo ang sangkatauhan!

85 Hindi nga masamang ang tao’y
86 Lalo kung may mithiing dakila at tapat,
87 Pagkat likas lamang sa taong maghangad
88 Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
89 Ngunit ang masama’y ang magpakapantas
90 Upang ang mabuting binuo’y iwasak!

91 Di dapat gumamit ng mga sandatang
92 Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
93 Idalangin nating magkaisa sana
94 Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
95 Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
96 Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!

97 Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
98 Gayon din ang hangin na dating malinis,
99 Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
100 Ay matatapos nang parang panaginip;
101 Saka lamang naman magiging tahimik
102 Kung dito’y wala nang mga manlulupig!

103 Dahil dito kaya kinakailangan
104 Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
105 Pagsikapan nating tuparing lubusan
106 Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
107 Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
108 Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!

109 Agawin sa kamay ng imbot at inggit
110 Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
111 Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
112 Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
113 Ang Diyos ay gising, di ipinagkait
114 Ang Kanyang saklolo sa api at amis!

115 Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
116 Ang siyang nagtatanggol sa aping kat’wiran,
117 Hindi maglalao’t ang sangkatauhan;
118 Ay makakandong na ng kalwalhatian;
119 Saka ang ligalig na sandaigdigan
120 Ay mahihimbing na sa katahimikan. 




pagninilay :


pinagbatayan:Filipino III

sa pula sa puti 3-1

Dapat hindi araw - araw ang pag sasabong .. 
dahil ang pag sabong ay hindi isang laro at ito ay isang pustahan an kung sino ang mga may ari ng kanilang tali..
dahil ang sabong ay isa ring sugal.samakatuwid ito ay hindi magandang impluwensyang nangyayari sa loob ng isang sabunangan.. 

ang aking buod tungkol sa kwentong sa pula sa puti 

Mga tauhan: 
kulas-mahilig mag sabong 
celing-pumupusta ng palihim 
sioning-ang matalik nna kaibigan ng mag sawa 
castro-ang nagturo kay celing kung paano mang daya 
teban-masunuri pero mahina ang ulo 
maring kikay-pinagkukunan ng sabon 


sa pula sa puti 

-si kulas ay isang sabungarero na halos araw araw ay laging nasa sabungan pero lagi siyang natatalo sa laban,kaya sa isip isp niya ayaw na niyang mag sabong kaylanman at ayawa niya ring makita ang sabungan.. 
si celing ay isang asawa ni kulas na tinatago sa kanyang asawa na si kulas na pumupusta sa sabungan upang si kulas ay matalo man siya na man ay nananalo para hindi sila maubusan ng kwarta .. 
umuwi si kulas sa kanilang bahay na naka simangot . at tinanong ni celing kung bakit siya ay nakasimangot at ang sabi ni kulas natalo na naman ako ! ayoko nang mag sabong kaylanman at ayoko na rin makita ang sabungan na iyan. sabi ni ..sabi ni naman ni celing buti namn natauhan ka narin sa wakas ... 
oh siya kulas aalis muna kami ni sioning pupunta lang kami kila maring kikay bibili lang kami ng mga sabong ni sioning at baka maubusan kami ni sioning;; 
sige! 
biglang dumating si castro -kamusta kana kulas bakit ka nanamn nakasimangot? 
ang sabi namn ni kula -e;kasi lagi nalang ako natatalo sa sabungan. ilang kwarta na ang nawawala sa akin..anoh kaba kulas bakit hindi kana mag sasabong porket na talo kalang ?ang sabi ni castro 
oo dahil sa natalo ako at dahil rin sa marami ng nakakatalo sa akin ang sabi namn ni kulas.. 
alm mo kulas may teknik ako para ako ay manalo 
ano yun castro?? 
gusto mo bang malaman kulas? 
oo!ano namn yun? 
kumuha ka ng manok mo kulas .at agad namn kumuha ng manok si kulas !! 
o eto na castro ung manok ko.. 
cge kumuha ka ng karayom 
sabi namn ni kulas ano?kukuha ako ng karayom 
oo pra mai pakita ko sayo kung bakit ako lagi natatalo 
at agad namng kumuha ng karayom si kula at ibinigay nito kay castro 
okie !!sa paahan ng manok mo ay inject natin para maging mahina . 
tapos pupusta ka sa kalaban yan ang ginagawa ko 
ang pintig ni castro 
at ang sabi naman ni kulas di ba castro pan daraya yan 
oo pero ang lahat ng kalaban mo ay nandaraya rin 
sabagay ,kaylangan ko rin ng kwarta 
at biglang umalis si castro at dumating si celing 
bigla ring umalis si kulas para pumunta ulet sa sabungan 
at si celing ay pinatawag si teban para pumusta sa sabungan ..ang sabi ni celing kay teban ay eto ang dalawang limang piso i pusta moh.. 
at agad naman umalis si teban upang pumaunta sa sabungan 
mga ilang oras dumating si teban na nakasimangot at ang tanong ni celing teban bakit ka malungkot?at ang sagot naman ni teban kasi po natalo po tayo sa sabungan e 
sabi namn ni celing okie atleast nanalo si kulas 
sumunod namn si kulas bakit ka nakasimangot nanaman 
ang sagot namn ni kulas e kasi natalo nanaman ako 


ayaw ko na talaga mag sabong 
nagtataka si celing kung saan ng galing ang kanilang perang mahigit dalawangput lima na kwarta at itoy naghihinala kay teban ngunit si teban ay hindi nagnakaw talagang natalo siya 
simula noon si kulas ay hindi na nag sasabong. 




ang mabutung aral ay 
-walang mabuting maidudulot ang pag susugal . 
Kaya laging tandaan na ang pera ay gamitin lagi sa tama 





pag ninilay : Dahil sa akdang ito aking napona ng ang pag sasabong ay hindi lang basta basta na gawain dahil maari itong mag dulot ng pagkasira ng inyong pamilya



pinagbatayan:http://jakjakduaman.blogspot.com