Miyerkules, Marso 13, 2013

pasasalamat sa aking guro 3-1

   maam salamat po sa lahat nang naituro ninyo sa akin at ninanais ko pong magtagal pa kayuo sa serbesyo0 upang marama papong katulad kou ang maturuan nyo  

mga gawain sa ika apa na markahan




























pagninilay : sa mga gawaing ito akou nalalaman kong ako ay nakaka unawa sa aming pinag aralan

Martes, Pebrero 12, 2013

bangkang papel 3-1


ni Genoveva Edroza-Matute
            Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
             Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
             Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...
             Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.
             Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
             Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.
             Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.
                        Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
             “Inay, umuulan, ano?”
             “Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
             “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?”
             Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao.
             Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.
             Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
             Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.
             “Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
             “Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”
             Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
             Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi masisira ng tubig.
             Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
             “Siya, matulog ka na.”
             Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
             “Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
             “Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot.
             Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.
             Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...
             At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...
             Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.
             Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
             Pupungas siyang bumangon.
             Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
             Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
             Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
             Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
             Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
             Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
             Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”
             Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
             Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y biglang natigil nang siya’y makita.
             Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
             Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
             Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
             “Bakit po? Ano po iyon?”
             Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
             Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
             “Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.”
             Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.
             Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
             Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.
             Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
             Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang.
             “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”
             Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
             “Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.”
             Samantala...
             Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
             Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
             Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

pagninilay: dahil sa akda na ito aking napuna na ang ang pangarap ay maaaring mawala na parang bula


pinagbatayan:filipino3zchs.multiply.com/journal/item/15/

Biyernes, Enero 4, 2013

buhay bakasyon 3-1


                                                                                                                                        12-17-12
meyo tanghali na ako nagising kasi pagod pero nakapasok padin kahit nahuli ng kaunti,aming panag uusapan kung ano ang aming dadalhing mga pagkaing kakainin namin sa araw ng christ mas party namin at pag uwi ay pininturahan ko ang proyaek to sa t.l..e. at bumili ako ng gamit sa pag aayos ng sasakyan namin  at sabay pagkatapos noon ay hinugasan ko yong sasakyan namin sabay tambay tambay din bago matulog.



                                                                                                                                 12-18-12
maaga akong pumasok para magawa ko ang proyekto namin sa t.l.e.pasalmat naman ako kasi wala kaming guro sa dalawang aisignatura kaya namn kahit papaano ay nagawa ko ito at pinag planohan namin ang gagawin naming christmas party at pag uwi ay nag iisp na ako ng susuotin sa raw na iyon at tambay sa kanto hanggang matolog.

                                                                     
                                                                                                                                12-19-12
maaga akong gumising para magawa ko pa at mapaganda ang proyekto sa t.l.e. dahil pasahan na ngayon at ito ay huhusgahan ng aming guro,pagpasok ko wow  ang gaganda  naman ng gawa ng mga kaklase ko.pagkatapos ng husgahan ang mga gawa namin may tatlong mag aara sa amin klase ang binigyan ng parangal ,dahil maganda ang kanilang gawa at pag tapos ng klase pumonta kami kila momomngan para taposin angaming proyekto sa chemistry at pagtapos noon ay pumunta ako sa gate2 para bumili ng damit na susuotin para sa christmas party pag tapos noon ay nagtambay kasama ang barkada.

                             
                                                                                                                                 12-20-12
 7 :30 na ako nagising at nagluto na ako ng kanin na dadalhin ko sa aming christmas party,pagdating ko sa paaralan ang dami ng kamag aral ang nandoon at nandoon narin ako ilang grupon maydalang handa pagkatapos ng party nagpasya sila momongan na pumunta sa  sta.lucia at sumama ako pagdating namin doon ay kumain kami sa food court at umakyat kami sa worid of fun pag tapos noon ay umuwi nakami at ako ay nag tambay kasama ng pinsan ko sa simbahan.

                                                                                                                                 12-21-12
ako ay gising ng aking kaibingan si kuaya arnil upang sumama sakan yang byahe at naghapon kaming magkasama sa payahe grabe subrang trapek ok lang may pasahero naman  at paguwi namin ay natulog ako agad kasi pagod ehhh.

                                                                                                                                 12-22-12
tanghali na ako nagisng at nasa bahay lang maghapon kasama ang mamabait na barkada kwentohan foodtrip walang inaalala wala nakasing pasok eehhhkaya kahit magpuyat ok lang at oag dating ng gabi sa bahay ng barkada ako natulog

                                                                                                                                    12-23-12
hay ang aga ko naman nagising yinayaya ko ang barkada kong magkapi sa baba para mawala ang antok  at pagdating ng tanghali nag laro kami ng basketball at sa kabutihan palad natao kami ng 50 pesos pero ok lang  
atlis masaya naman kami paguwi sirmon naman ang naabutan sabahay dahil nakalimutan koung hugasan yung pinggan ta pagdating ng gabi muli akong natulog sa bahay ng aking barkada .

                                                                                                                                       12-24-12
tanghali na ako nagising hay pasko na ano kaya ang handa namin ngayon.galagal muna,pumunta kami ng kaibigan kung si mel para bumili ng ereregalo  sa kanyang nga enanaanak sa marikina at pagdating ng gabi ay nanglibre siya ng alak at nag inuman kami hanggang alas 11 ng gani at pag tapos ng imuman ay umuwi ako para kumain ng handa namin at natlog na ako.

                                                                                                                                          12-25-12
ay nako hangover pa pero kilangan ng bumangon kasi may aatinang binyagan maagaaga kaming punmunta sa gate2 para magninong kaso subra namang aga pala kaya malaga din kaming umuwi  hindi nanamin tinapos ang binyagan lasing pakasi pag kauwi natulog ako hanggang mag gabi pag gising ko ay nag inoman nanaman kami ng barkada kaya alas 12  na ng gabi kami nakatulog.

                                                                                                                                          12-26-12
pagtapos ng pasko   kaarawan naligo kami ng dagat doon sa cavite nako ang lamig ng tubig parang may yelo  grave pero ok lang masaya ngamn ang buong grupo kasi kami lang doon sa resort walang kasama masusulit naman ang dagat kasoo malamig talaga...... kainan sayawan  inuman ang mga lalaki kaya saya talaga . paguwi antok ang resulta antok aat pagod talaga..

                                                                                                                                           12-27-12
maagaaga akong nagising dahilsumama nanaman ako sa byahe wala talaga akong masyadong ginagawa samasama lang sa byahe maghapon ehh.grabe ngayong araw na ito parang kakaunti lang ang pasahero at ang trapek pa talaga grabe naman kaya maaga kani umuwi.paguwe namin ay maaga din kami natulog para maaga kami mag babyahe bakas

                                                                                                                                             12-28-12
hay madakin ang ulo ko ngayon hindi ako sumama sa byahe maghapon lang ako sa bahay tamang pahinga lang iwan ko kung bakit maskit ang ulo ko tamang nood lang alng ng t.v walang magawang iba ehh at hindi kinalimutan ang gamot maaga akong natulog paa makapag pahinga naman .

                                                                                                                                             12-29-12
maaga ako ngayon nasing salamat sa  god wala na ang sakit ng ulo ko.kaya nagpasya ako na sumama kay papa na bumyahe yun maghapon kami nagbahye at binigyan ako ni apa ng isang daan.


                                                                                                                                             12-30-12
haayy ito na yata ang pinaka magandang araw ng taon ko kasi pumunta ako sa bahay ng aking kaibigan sa may quezon city magkasama kami ng ilang oras at ang pakiramdam ko ay parang gusto ko nang ipadtapat yong mnararamdaman ko yong parang sasabog kna pero kailangan momonang pigilan.Maya maya ay nagpasya na akong umuwi kasi gabi na ehh <ito ang pinakamasayang araw ko>

                                                                                                                                            12-31-12
ayy nako ang sama naman ng pag pasok ng 2013 sakin kasi  nag karoon ako ng trangkaso  habang nagpuputokan ako nakatulala lang walang inuman,walang kainan at walang ganang gumawa ng bagay bagya
<ito ang nakakaasar na pangyayari sa buhay ko ngayong taon >

                                                                                                                                              1-1-13
nako tang hali na maka higa lang ako grabe tong ibinigay na sakit sa akin hilong hilo ako ang sakit ng ulo ko 
wala akong ganang kimain  grabe talaga .gabe tong taon  na to dika to kalilimutan promis..<tolog muna ako> 

                                                                                                                                                1-2-13
hay tang hali na salamat nakakain kahit kaunti  nakakatayo narin grabe talaga yong nararamdaman ko kahapon;  ok na ngayon kasi nakakatayo na ako nakakatambay pero hilo pari ang nararamdaman maghapon naka opo lang walng ibang magawa ehh ...

                                                                                                                                                 1-3-13
hay hindi ako nakapasok kanina kasi masakit parin ang aking katawan grabe talaga.Maghapon nanaman ako naka tambay kanina wala nanamang nagawa at hindi pa ako nakapadok asar talaga   tolog muna ako.


                                                                                                                                                    1-4-13

tanghali na hindi nanaman a nakapasok at salamat sa naman at medyo naka rekober na ako sa sakit ko kaso hindi naman ako nakapasok ngayon tanghalina sinubukan kong gumala kanina para malaman kong pwede na at salamat naman ok,lang maghapon ang pakiramdam.